SC nag-isyu ng show cause order vs Lorraine Badoy

SC nag-isyu ng show cause order vs Lorraine Badoy

October 4, 2022 @ 4:43 PM 6 months ago


MANILA, Philippines — Ikinasa ng Korte Suprema ang show cause order para kay dating National Task Force to End Local Armed Conflict (NTF-Elcac) spokesperson Lorraine Badoy, upang magpaliwanag kung bakit hindi siya dapat patawan ng indirect contempt para sa kanyang mga pahayag kina Manila Regional Trial Court Judge Marlo Magdoza-Malagar.

Binigyan si Badoy ng 30 non-extendible days upon notice upang makapagsumite ng kanyang paliwanag.

Kailangan gpanumpaan din ni Badoy ang mga sagot nito sa mga isyu gaya ng kung may pinost siya sa social media na bumabatikos sa desisyon ni Judge Marlo Malagar na nagdeklara na hindi terrorist organization ang CPP-NPA at kung ang pinost nito sa kanyang social mediaaccount ay may mga marahas na salita laban sa naturang hukom.

“THIS COURT. Further, she must respond to the following issues under oath:

i. Whether or not she posted or caused the posting of the statements attacking the September 21, 2022 Resolution rendered by the Regional Trial Court in Civil Case No. R MNL-18-00925-CV in any or all of her social media accounts;

ii. Whether or not her social media post encouraged more violent language against the judge concerned in any or all of her social media platforms;

iii. Whether or not her post, in the context of social media and in the experience of similar incendiary comments here or abroad, was a clear incitement to produce violent actions against a judge and is likely to produce such act; and

iv. Whether or not her statements on her social media accounts, implying violence on a judge,” saad sa resolusyon. Teresa Tavares