SC nag-isyu ng TRO sa kanselasyon ng COC ng Senate bet

SC nag-isyu ng TRO sa kanselasyon ng COC ng Senate bet

January 19, 2022 @ 6:31 PM 4 months ago


Manila, Philippines – Nag-isyu ang Korte Suprema ng temporary restraining order laban sa kanselasyon ng Commission on Elections (Comelec) sa certificate of candidacy ng isang senatorial aspirant.

Sa ulat, pinaburan ng high tribunal ang petisyon ni Norman Codero Marquez, na idineklarang nuisance candidate ng Comelec.

Base sa TRO, napag-alaman ng SC na ang petisyon ay ‘to be sufficient in form and substance.’

Kinakailangan naman na magkomento ang Comelec sa petisyon sa loob ng non-extendible period ng 10 araw mula  notice.

“Respondent Comelec is hereby required to comment on the petition within a non-extendible period of 10 days from notice hereof. Meanwhile, a temporary restraining order is issued, effective immediately and continuing until further orders this court.” RNT/FGDC