Manila, Philippines – Nasa 14 na mahistrado ng Korte Suprema ang inirekomenda sa Judicial and Bar Council (JBC) bilang kapalit nang napatalsik na si Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Ginawa ni Retired Sandiganbayan Justice Raoul Victorino ang hakbang dahil wala aniyang application para sa nabakanteng posisyon ni Sereno.
Dean ng Philippine Christian University College of Law si Victorino at kumakatawan din sa pribadong sector.
Naniniwala si Victorino na dahil sa delicadeza kaya walang sinumang kasalukuyang mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman ang interesado sa posisyon kaya aniya hindi makabuo ng shortlist ang JBC.
Kumbinsido rin si Victorino na mas makabubuting inominado ang mga mahistrado ng Supreme Court dahil mas kuwalipikado sila at alam na nila ang trabaho sa korte kumpara sa isang outsider. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)