SC nagsasagawa ng health check sa bar examinees

SC nagsasagawa ng health check sa bar examinees

January 13, 2022 @ 1:00 PM 7 months ago


Manila, Philippines – Inatasan ng Office of the Bar Chairperson ang mga bar examinee na magsumite ng update sa lagay ng kanilang kalusugan.

Ito ay mahigit isang linggo bago ang unang araw ng bar exams sa Enero 23.

Ayon sa Supreme Court Public Information Office, nag-email ang Office of the Bar Chair sa mga examinees para isumite ang kanilang health status.

Ito ay upang matiyak na maayos ang kalusugan ng mga examinees at walang mangyayaring aberya sa mismong araw ng bar exam.

Kailangan na mag-reply ng examinees sa nasabing email at sagutan ang form na maa-access sa ibinigay na link sa tweet.

Una nang hinimok ni Bar Chair at Justice Marvic Leonen ang mga examinees na mag-self-quarantine simula noong Lunes.

Ang sinuman na magpo-positibo sa COVID test ay hindi papapasukin sa local testing sites. Teresa Tavares