SC nagtakda ng guidelines sa mga korteng sinalanta ng #OdettePH  

SC nagtakda ng guidelines sa mga korteng sinalanta ng #OdettePH  

January 1, 2022 @ 12:10 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Magbabalik ang operasyon ng mga korte sa Enero 3, 2022m batay sa Supreme Court (SC).

Sa ilalim ng Circular 160-2021 na inisyu ni Deputy Court Administrator Raul Villanueva noong Disyembre 29, lahat ng protocols sa mga korteng may kanya-kanyang alert level classification ay dapat manatiling epektibo.

Habang ang mga korte na apektado ng bagyong Odette ay maaaring sumunod sa protocol na nakadepende sa kanilang alaert levels ngunit may ‘modification’ na idedetermina ng Executive/Presiding Judges.

“If normal court operations cannot yet commence due to the prevailing situation,” saad ng circular.

Maaalalang naunang sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na pinakaapektadong lugar ang Palawan, Negros Occidental, Bohol, Cebu, Negros Oriental, Southern Leyte, Leyte, Dinagat Islands, at Surigao del Norte.  RNT/FGDC