SC sa Bar examinees: Tamang bersyon ng software para sa pagsusulit, tiyakin

SC sa Bar examinees: Tamang bersyon ng software para sa pagsusulit, tiyakin

November 5, 2022 @ 1:28 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Pinaalalahanan ng Supreme Court nitong Sabado ang mga kukuha ng Bar Examinations ngayong buwan na tiyakin na tama ang software version na naka-install sa kanilang device.

“To ensure uninterrupted examination taking, examinees are advised to… check whether the correct version of Examplify is installed,” ayon sky 2022 Bar Examinations Chairperson Associate Justice Alfredo Benjamin Caguioa sa Bar Bulletin No. 12, s.2022. 

Ang software versions ay:

  • Para sa Windows OS: Examplify version 2.9.6; at

  • Para sa macOS: Examplify version 2.9.2.

Pinaalalahanan din ang examinees na kabisaduhin ang log-in credentials para sa laptop at para sa Examplify at i-disconnect ang kanilang device mula sa anumang virtual private networkupang tiyakin na konektado sila sa WiFi ng local testing center.

Sinabihan din sila na i-disable ang naka-install na antivirus software installed sa laptop at isara ang anumang bukas na programs o applications.

Iniahyag ni Caguioa na 376 examinees ang hindi pa nakapagparehistro at nakapag-install ng Examplify sa kanilang devices hanggang noong Oktubre 31.

Mayroon ding 139 examinees na hindi nakapagsumite ng sagot sa sample examinations.

Sinabi ng SC na hindi aasistihan ang examinees sa paggamit ng Examplify sa Bar Examinations.

Aarangkada ang Bar Examinations sa Nobyembre 9, Nobyembre 13, Nobyembre 16, at Nobyembre 20. 

Sinabi pa ng SC na ang examinees na hindi makakukuha ng 2022 Bar examinations dahil sa Severe Tropical Storm Paeng ay pwedeng mag-apply para sa refund ng kanilang bayad.

Isasagawa ang Bar exams sa 14 local testing centers sa buong bansa. RNT/SA