SC sa IBP: Tulungan kami na ibalik ang tiwala ng publiko sa judicial system

SC sa IBP: Tulungan kami na ibalik ang tiwala ng publiko sa judicial system

July 7, 2021 @ 1:57 PM 1 year ago


Manila, Philippines – Hinikayat ni Supreme Court Chief Justice Alexander G. Gesmundo ang mga miyembro ng Integrated Bar of the Philippines na tulungan ang hudikatura na maibalik ang tiwala ng taongbayan sa judicial system.

Sa kanyang talumpati sa panunumpa ng mga bagong opisyal ng IBP, sinabi ni Gesmundo na dapat tulungan ng mga miyembro ng bar ang SC para ipalaganap sa lahat ang mga prosesong legal sa pamamagitan ng spcial media at iba pang platform.

Bilang tagapagbantay aniya ng legal system ay dapat makita ang suporta ng IBP sa mga programa ng Supreme Court para makamtan ang buong pagsunod sa rule of law sa bansa.

Ayon kay Gesmundo, ito na mainam na panahon para ibigay ng IBP ang buong suporta nito sa hudikatura dahil sa mga hamon na hinaharap ng Korte Suprema.

Aniya walang tigil ang SC sa paghanap ng mga solusyon sa mga problema sa judicial system pero kailangan nito nang walang humpay na suporta ng lahat ng nasa hudikatura at mga miyembro ng bench at bar. Teresa Tavares