SC, Senado at Gabinete, patuloy na bumababa sa rating- SWS survey

SC, Senado at Gabinete, patuloy na bumababa sa rating- SWS survey

July 30, 2018 @ 6:55 AM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Patuloy na bumubulusok pababa ang public satisfaction ratings ng Korte Suprema, Senado at Gabinete ng administrasyong Duterte ngayong second quarter ng taon, ayon sa bagong survey na inilabas ng Social Weather Stations (SWS).

Ipinakita ng resulta noong June 2018 survey na ang Kamara ay bumaba ng isang grade mula sa “good” naging “moderate” matapos itong makatanggap ng 10 points na mas mababa mula sa +35 noong March naging +25 ngayong June 2018.

Ito na ang pangalawa sa pinakamababang rating na natanggap ng Kamara simula noong December 2015 na +16.

Ayon sa SWS, ang pagbaba ng 10 points ng overall satisfaction rating ng Kamara ay dahil sa pagbaba nito sa lahat ng lugar maliban sa Metro Manila.

Samantala, ang net satisfaction naman ng Senado ay nanatiling “good” sa +41 ngayong June, bumababa ng apat na puntos mula sa +45 noong March 2018.

Ito ang pinakamababa simula noong April 2016 sa kaparehong tala.

Ang satisfaction rating naman para sa Senado at Gabinete ay nanatiling “moderate sa +19 at +25 na puntos.

Bumaba ng isang puntos ang rating ng Senado mula sa +20 noong March 2018 habang ang Gabinete naman ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay bumaba ng tatlong puntos mula sa +28 noong March 2018.

Ang survey ng SWS sa second quarter ng taon ay isinagawa mula  June 27 – 30, 2018 sa pamamagitan ng face-to-face interview sa 1,200 na respondents sa buong Pilipinas.

Mayroon itong ±3 percent margin of error para sa national percentage at ±6% each para sa Metro Manila, Balance Luzon, Visayas, at Mindanao. Remate News Team