SC TRO sa NCAP pinuri ng mga solon

SC TRO sa NCAP pinuri ng mga solon

August 31, 2022 @ 10:14 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Malinaw na narinig ng mga mahistrado ng Supreme Court(SC) ang panawagan ng mga motorista.

Ito ang reaksyon nina Surigao del Norte Rep Robert Ace Barbers at Albay Rep Joey Salceda sa ipinalabas na Temporary Restraining Order(TRO) ng Supreme Court(SC) kaugnay sa kontrobersiyal na No-Contact Apprehension Program(NCAP).

“Napakingggan ang clamor at ang hinaing ng ating mga motorista at ng ating mga mananakay dahil sa hindi magandang pagpapatupad ng NCAP na ito sa ating bansa.That’s why dapat talaga ay pag-aralan mabuti bago natin i-implement,” pahayag ni Barbers na isa sa nagsulong ng kanselasyon ng NCAP dahil sa pagiging unconstitutional.

Sa panig ni Salceda sinabi nito na malinaw naman na mayroong mali at kuwestiyon sa legalidad ng no-contact apprehension policy na ipinatutupad ng mga local government units pangunahin na dito ang kawalan ng due process sa paghuli sa motorista.

“There were obvious flaws of legality from the very start. Policing is not something that can be conducted without informing the citizen of his rights or allowing him or her adequate methods of redress. That violates due process. So, I am grateful to the Supreme Court for their action. This will prevent the policy from doing any harm until we can resolve its legality and constitutionality,” ani Salceda.

Sinabi ni Salceda na mas pabor sya na magkaroon ng pagbabago sa NCAP at gawin ito sa ilalim ng Public-Private Partnerships(PPPs).

“I certainly am okay with using PPPs to provide the infrastructure for monitoring, the payments system, and even the methods of appealing,” ani Salceda.

Umaasa si Salceda na habang umiiral ang TRO ay makakapagbalangkas ang DILG ng guidelines ng NCAP na mayroong private partners kung saan mas magiging maayos ang proseso at walang nalalabag na basic rights.

Si Salceda ay ang may akda ng House Bill No. 3423 o ang Motorists’ Bill of Rights kung saan itinatakda ang kaparatan ng mga motorista laban sa arbitrary apprehension at ang right to due process sa traffic enforcement. Gail Mendoza