SC, walang hurisdiksyon sa pagpatigil ng canvassing, proklamasyon- Marcos camp

SC, walang hurisdiksyon sa pagpatigil ng canvassing, proklamasyon- Marcos camp

May 20, 2022 @ 8:20 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Walang hurisdiksyon ang Korte Suprema para pigilan ang Mababang Kapulungan ng Kongreso mula sa canvassing ng boto at proklamasyon ng mga nanalo sa katatapos lamang ng May 9 presidential election.

Sa isang manipestasyon na isinumite sa Korte Suprema ni Atty. Estelito Mendoza, mula sa kampo ni presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., nakasaad dito na ang “duly elected president and vice president” ay kailangan na masimulan ang kanilang termino sa Hunyo 30, alas-12 ng tanghali at magtatapos ang kanilang termino sa kaparehong oras at petsa matapos ang anim na taon, gaya ng nakasaad sa ilalim ng 1987 Constitution.

Tinukoy ni Mendoza ang Seksyon 4, Article VII ng Saligang Batas, kung saan binigyan ng mandato ang mga mambabatas na mag-canvass ng mga boto.

Nakasaad pa rin sa kaparehong probisyon na ang isang indibiduwal o kandidato na may mataas na bilang ng boto ay “shall be proclaimed elected.”

“All of the above provisions, in language and intent, are mandatory and the Supreme Court is without jurisdiction to prevent their implementation,” ani Mendoza.

Base sa partial at unofficial results, nanguna si Marcos na may 31.1 milyong boto na sinundan naman ni Vice President Leni Robredo na may 14.8 milyong boto.

Sa ulat, binitbit na sa pinakamataas na korte ng Pilipinas ang laban kontra sa kandidatura ni presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ang petisyon sa Korte Suprema ay inihain ng kampo nina Fr. Christian Buenafe, et al. na una nang hiniling sa Commission on Elections kanselahin ang certificate of candidacy (COC) ni Bongbong. Sa kabila nito, ibinasura ito ng Comelec noong nakaraang linggo.

“[A] candidate’s putative election victory cannot subsequently cure his ineligibility,” wika ng petitioners, Lunes, bagay na Martes lang isinapubliko.

“Elections are more than just a numbers game such that an election victory cannot bypass election eligibility requirements. The balance must always tilt in favor of upholding the rule of law.”

Dahil hiling ng petitioners na:

  • ibaliktad o isantabi ng Supreme Court ang naunang resolusyn ng Comelec

  • ikansela o ideklarang “voice ab initio” ang COC ni Bongbong, na hindi siya talaga naging kandidato sa 2022 national elections

  • gawing permanento ang temporary restraining order laban sa Konggreso at pigilan silang i-canvass ang mga botong nakuha ni Bongbong

Una nang sinabi ng mga petitioner na “nag-falsify” ng COC si Bongbong nang igiit niyang pwede siyang tumakbo sa pagkapangulo kahit na disqualified na siya dapat. Iginiit kasi ni Bongbong na hindi pa siya nagiging liable para sa kahit na anong offense, na merong acessory penalty na “perpetual disqualification” sa public office sa ilalim ng Presidential Decree No. 1994.

Kaugnay pa rin ito ng kanyang 1995 conviction mula sa Quezon City Regional Trial Court dahil sa ilang beses na na kabiguang hindi maghain ng income tax return. Hindi na rin daw siya dapat pinahahawak ng anumang posisyon sa gobyerno dahil sa paggawa ng krimeng may kinalaman sa “moral turpitude.” Kris Jose