SC walang pasok sa Nob. 5-22

SC walang pasok sa Nob. 5-22

September 13, 2022 @ 9:55 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Supreme Court (SC) nitong Martes na suspindido ang lahat ng sesyon mula Nobyembre 5, Sabado hanggang Nobyembre 22, Martes para sa isasagawang Bar examinations.

Sinabi pa ng SC na ito ay magpapahintulot sa Korte na idirekta ang mga pangunahing mapagkukunan, oras, at gawain nito tungo sa nasabing pagsusulit.

Sinabi rin ng Korte na lahat ng mga collegiate court at first at second-level court sa National Capital Region (NCR) at sa lahat ng lungsod kung saan matatagpuan ang mga local testing centers (LTCs) ay isasara sa Nobyembre 9 at Nobyembre 16.

Nauna nang sinabi na ang mga pagsusulit ay gaganapin sa 14 na LTC sa buong bansa, kung saan lima sa NCR, at tig-tatlo sa Luzon, Visayas, at Mindanao.

Sinabi rin ng SC na ang lahat ng opisyal, kawani, at empleyado na ide-deploy para sa eksaminasyon ay isasaalang-alang sa opisyal na oras para sa tagal ng kanilang serbisyo. RNT