Scaffolding sa construction site, gumuho; 1 patay, 10 sugatan

Scaffolding sa construction site, gumuho; 1 patay, 10 sugatan

October 4, 2022 @ 3:42 PM 6 months ago


MANILA, Philippines- Patay ang isang contruction worker habang 10 ang sugatan matapos na mahulog ang scaffoding sa contruction site kaninang umaga sa lungsod ng Quezon.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director PBGEN Nicolas Torre III ang namatay na si Francis Anzures, 45-anyos, may-asawa tubong Leyte, residente ng Brgy Baesa Q.C.

Sugatan naman ang mga kasamahan nito na sina Jerick Medino, 20, Renato Gallo, 49, Mark Dave Asis, 21, Reynante Mandak, 50, Junrey Acoymo, 38, Jayson Rebalga, 27, Jerald Silvio, 20, Jorie Modesto, 40, Emmil Jay Medino, 25, at Rainwick Gallo, 39.

Base sa ulat ng La Loma Police Station 1, pasado alas-9 ng umaga nang maganap ang insidente sa No. 32 Sto Cristo Street Brgy Balingasa, Q.C.

Lumalabas na nasa kasagsagan na nagtratrabaho ang mga biktima sa isang gusali na itinatayo ng bigla na lamang bumagsak ang scaffoding kung saan si Anzures ang siyang tinamaan at napuruhan.

Agad naman na rumeponde sa lugar ang mga Barangay Health Workers at isinakay ang mga biktima sa ambulansya saka dinala sa Quezon City General Hospital.

Bandang alas-9:40 ng umaga nang ideklara dead on arrival si Anzures ni Dr. Alfred Magpantay sanhi ng tinamong grabeng pinsala nito sa katawan.

Patuloy ang pagsisiyasat ng kapulisan kung mayroon kapabayaan sa naganap na aksidente. Jan Sinocruz