Scam gamit pangalan nina Nograles, Bello naglipana; publiko binalaan

Scam gamit pangalan nina Nograles, Bello naglipana; publiko binalaan

January 18, 2022 @ 8:50 AM 7 months ago


MANILA, Philippines – Nagbigay-babala ang Office of the Presidential Spokesperson (OPS) sa publiko laban sa mga scammers na nag-aalok ng unauthorized medical bonds o medical insurance.

Sa isang kalatas, sinabi ni Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, na nakatanggap ang OPS ng ulat na may ilang “unscrupulous individuals” ang gumagamit ng mga pangalan ni Nograles at Secretary Silvestre Bello III para mag-solicit ng “unauthorized medical bond/medical insurance” na nagkakahalaga ng P6,000 bilang bahagi ng recruitment at hiring procedure.

Ang mga scammers, aniya ay gumagamit ng letterheads ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases at Department of Labor and Employment.

Dahil dito, hinikayat niya ang publiko na kaagad na isumbong sa mga awtoridad ang mga indibiduwal na nag-aalok ng medical bonds o medical insurances.

“The OPS wishes to alert everyone of this illegal solicitation scheme and urges the public to report such fraudulent activity to 8888 Citizens’ Complaint Center,” ayon kay Nograles.

Ang 8888 Citizen’s Complaint Hotline ay isa sa dalawang “key hotlines” na pinasimulan sa ilalim ng termino ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Ang isa naman ay ang 911 emergency rescue hotline.

Ang 24/7 national public service hotline ay itinatag via Executive Order No. 6, nilagdaan ni Pangulong Duterte noong Oktubre 2016.

Nagsisilbi ito bilang mekanismo kung saan maaaring magsumbong o mag-report ang mga mamamayan ng kanilang reklamo at hinaing na may kinalaman sa red tape at/o korapsyon sa alinmang national government agency, government-owned or -controlled corporation, government financial institution, at iba pang instrumentalities ng gobyerno. Kris Jose