Scam sa educ’l cash aid ibinabala sa publiko

Scam sa educ’l cash aid ibinabala sa publiko

August 30, 2022 @ 9:28 AM 1 month ago


CAGAYAN DE ORO CITY – Nagbabala sa publiko ang pamunuan ng Department of Social Welfare and Development sa Northern Mindanao (DSWD-10) laban sa mga “text scams” na target biktimahin para mapaniwala makukuha ang kanilang educational cash assistance.

Sa pahayag ni DSWD-10 information officer Roshiel Galia, nitong Lunes sinabi nito na kung sino ang mga registered online at kwalipikado para sa assistance ay makakatanggap sila ng text message isang araw bago ang takdang araw sa pagkuha ng kanilang payout sa satellite offices ng naturang ahensya.

“We intentionally do that (texting the confirmation a day before the payout date) because we have received several reports of text messages circulating that were not official,” ani pa ni Galia.

Sinabi pa ni Galia na ligtas ang mekanismo ng ahensya dahil malalaman ang mga text message na pinag-uusapan.

Sa ikalawang payout noong Agosto 27, sinabi niya na daan-daang benepisyaryo na hindi nakarehistro ang pumunta pa sa mga regional at satellite offices sa pag-asang maasikaso ang mga ito.

Sinabi ni Galia na nauna nang inilatag ng ahensya ang proseso ng pagpaparehistro, na maaaring gawin online o sa pamamagitan ng offline na pamamaraan sa tulong ng mga desk assistant.

“Unfortunately there were still who believed the ‘fake news’ proliferating in social media about the distribution; that is why we distributed brochures, so they will be guided,” aniya.
Simula Agosto 27, naipamahagi na ang DSWD-10 ng P9.4 milyon sa 2,902 benepisyaryo sa mga tanggapan ng rehiyon at satellite sa Northern Mindanao./Mary Anne Sapico