Scammer na nagpapanggap na spox ni BBM, natunton sa Bilibid

Scammer na nagpapanggap na spox ni BBM, natunton sa Bilibid

May 18, 2022 @ 9:31 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Matagumpay na natunton ang isang scammer na nagpapanggap bilang si Vic Rodriguez, tagapagsalita ng presumptive president Ferdinand Marcos Jr., sa loob mismo ng New Bilibid Prison (NBP), ani Secretary of Justice Menardo Guevarra nitong Martes.

Kinilala ni Guevarra ang suspek na si Ryan Ace Castillejo, na ibinunyag niyang nagsisilbi na ng sentensiya sa NBP para sa dalawang bilang ng pagnanakaw.

“Confirmed; suspect was traced by the NBI special action unit at the NBP maximum security compound where he’s serving sentence for two counts of qualified theft,” ani Guevarra sa isang mensahe sa mga mamamahayag.

“Found in his possession were a mobile phone and notebooks containing names of possibly past or prospective victims,” dagdag niya.

Dahil nakakulong na si Castillejo sa NBP, ipinaliwanag ni Guevarra na hindi na ito maaaring arestuhin. Gayunpaman, tiniyak niya sa publiko na kakasuhan siya ng cyber fraud.

“And if I may add, I’ll have this incident further investigated. Possession by a PDL (person deprived of liberty) of a mobile phone is strictly prohibited in the NBP, most especially in the maximum security compound,” giit pa ni Guevarra. RNT