SCANDAL SA PEAC? (PART 3)

SCANDAL SA PEAC? (PART 3)

September 5, 2022 @ 6:42 PM 4 weeks ago


Ang Private Education Assistance Committee ay isang komite na binuo upang pangasiwaan ang bilyon pisong pondo para sa Private Assistance to Private Education, isang ‘permanent and irrevocable trust fund.’

Ang mga miyembro ng komite ay binubuo ng dalawang kinatawan ng pamahalaan mula sa Department of Education at sa National Economic Development Authority at tatlong kinatawan mula sa pribadong sector – mula sa Catholic Educational Association of the Philippines, Association of Christian Schools, Colleges and Universities at Philippine Association of Colleges and Universities.

Sa ilalim ng E.O. , S. of 1994, amending Section 2, series of 1968, “PEAC was granted the express authority to manage and administer contributions, donations, grants, bequests, gifts and loans from the Government of the Republic of the Philippines for programs of assistance to private education.”

Ang bilyon-bilyong pisong hawak ng PEAC ay dapat tutukan dahil ito ay itinalaga para sa pagsulong ng private education sa bansa. Ito ang isang instrumento na puwedeng isagawa ang ‘complementarity’ ng public at private education sa bansa, para mapanindigan ang partnership ng pamahalaan at mga pribadong paaralan sa pagpapabuti ng edukasyon sa ating bansa.

Kaya sa on-going na budget hearings sa Kongreso, dapat lamang na tutukan ng ating mga kinatawan na nasa komite ang pondo ng PEAC at ang kung paano nito pinapamahalaan ang pondong ipinagkatiwala sa kanila.

Dapat ding paigtingin ng Commission on Audit ang pagsagawa ng ‘pagtutuos’ sa komiteng ito.

Bagamat ito ay isang komite lamang at hindi isang regular na ahensya ng gobyerno, ang PEAC ang repository ng bilyon-bilyong pera na puwedeng makapagbago ng kondisyon ng edukasyon sa ating bansa.