SCANDAL SA PEAC? (Part 4)

SCANDAL SA PEAC? (Part 4)

September 12, 2022 @ 4:54 PM 3 weeks ago


ANG isang aktibidad ng Private Education Assistance Committee na naglalarawan ng malawak na kapangyarihan ng komiteng ito ay ang pagsasagawa  ng recertification sa  covered private schools na siyang nagbibigay ng subsidy sa ating mga kabataan sa senior high schools.

Sa pamamagitan ng prosesosong ito, iniisyuhan ng sertipikasyon ng PEAC ang isang eskuwelahan kung puwede itong magpatuloy na partner ng DepEd sa pag-implement ng subsidies sa ating mga kabataan.

Dito  nagkakaroon ng problema kasi subject  ito sa discretion ng PEAC dahil may mga guidelines sa nasabing aktibidad na ang mag-aapreciate  ay ang PEAC.

Sa kaso ng isang eskuwelahang  idinulog sa aming tanggapan, magkaiba ang findings ng PEAC at ng DepED kaya ang nasunod pa rin  ay PEAC kahit sabihin pang fully complied ang naturang eskuwelahan sa requirements ng DepEd.

Sinabi ng may-ari ng eskuwelahan na sila ay pinipersonal ng PEAC dahil lang sa usaping di napagkasunduan.

Ang resulta? Hanggang ngayon di pa rin sila makakolekta sa PEAC na halos umabot na ng 3 milyon na collectibles sapagkat nag-abono na sila sa gastusin para sa mga estudyanteng covered ng subsidy.

Naabutan ng pandemic at tulad ng maraming pribadong paaralan sa bansa, isa sila sa mga nangangambang magsara dahil sa epekto ng pandemya.

Ang lugi  rito ay ang mga estudyanteng   beneficiaries ng nasabing subsidies at ang taumbayan dahil marami sa ating mga kabataan na natutulungan ng nasabing subsidies ay di makapag- aaral.

Kaya gusto lang sana naming isaboses ang hinaing at mithiin hindi lamang ng mga partner schools ng PEAC kundi ang mga magulang at mga estudyanyteng covered nito.

Nais nilang i-review ng bagong Administration ang mga polisiya at patakarang pinapairal ng PEAC, tanggalan ito ng malawak halos unquestionable discretion sa pagdeternina ng kapalaran hindi lamang ng ating mga naghihingalong private schools in a pandemic situation but also the future of our youth, and children na mag-aahon sa kahirapan ng kanilang pamilya.