Schedule ng F2F oath-taking ng bagong CPAs inanunsyo ng PRC

Schedule ng F2F oath-taking ng bagong CPAs inanunsyo ng PRC

September 19, 2022 @ 8:28 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Ipinaalam na sa mga bagong pumasa sa Certified Public Accountant Licensure Examination ang final schedule ng kanilang special in-person oathtaking.

Inanunsyo ng Professional Regulation Commission (PRC) na isasagawa ang special face-to-face oathtaking sa magkakaibang petsa.

Para sa Cagayan de Oro, nakatakda ito sa Sept. 23, para sa Cebu at Davao kasado ito sa Sept. 30, habang sa Baguio, aarangkada ito sa Oct. 4.

Kagaya ng mga naunang in-person oathtakings, ang mga nakapasa sa pagsusulit na interesadong makilahok sa special face-to-face oathtaking ay kinakailangang mag-register online at kumpirmahin ang kanilang attendance bago ang nakatakdang oathtaking day.

“The Regional Office shall contact the inductees who will participate in the said oathtaking events,” ayon sa Commission.

Samantala, ang mga interesadong attendees ay pinagdadala rin ng  alin man sa mga sumusunod sa oathtaking day: vaccination card, negative reverse transcription polymerase chain reaction (RT-PCR) test result na inilabas 48 oras bago ang event, o isang antigen test result sa loob ng 12 oras bago ang oathtaking day. RNT/SA