Scholarship grant seekers pinag-iingat ng CHED sa pekeng online accounts

Scholarship grant seekers pinag-iingat ng CHED sa pekeng online accounts

December 28, 2022 @ 5:50 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Nagbabala ang Commission on Higher Education (CHED) sa publiko laban sa unofficial accounts na naglalarawan bilang CHED scholarships.

Sa isang Facebook post, sinabi ng CHED na patuloy na tumataas ang mga unofficial accounts na ito at diumano’y humihingi ng personal information ng aplikante.

“It has come to our attention that the number of unofficial CHED online accounts has increased, particularly for scholarship applications,” ayon sa CHED.

Ang mga nasabing unofficial CHED pages ay makikita sa Facebook at websites, naglalaman ng links at sinasabing requirements para sa scholarships.

Gayunman, nilinaw ng CHED na mayroon lamang silang tatlong official social media accounts.

“The official handle names of the Commission on Higher Education are PhCHED.gov (on Facebook), @PhCHED (on Twitter), and ched.gov.ph (website),” ang pahayag ng CHED.

Idagdag pa rito, sinabi ng CHED na nire-require nito ang kanilang scholarship applicants na direktang makipag-ugnayan sa CHED office, at huwag iproseso ang aplikasyon virtually.

“CHED will never ask for your personal information or process applications through social media. Any questions about CHED scholarship programs should be directed to the appropriate office,” ayon sa CHED.

Sa ngayon, ang official Facebook page ng CHED ay mayroong 666,000 followers, at 906,000 followers sa Twitter. Kris Jose