Scholarship grants, hardship pay ng mga guro isabatas – Rep. Duterte

Scholarship grants, hardship pay ng mga guro isabatas – Rep. Duterte

October 7, 2022 @ 4:12 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Isinusulong ni Davao City Rep Paolo Duterte na maisabatas ang mga benepisyong natatanggap ng mga guro kasama na dito ang graduate at post graduate scholarship, hardship pay, data allowance at educational assistance para sa kanilang mga anak.

Ayon kay Duterte sa laki ng sakripisyo ng mga guro ay tama lamang na nakakatanggap ito ng mga regular na benepisyo at isang paraan para matiyak ito ay dapat nasa batas.

“The role of teachers goes beyond the four walls of the classroom and their work schedule. Outside of their lesson plans, they instill moral and civic values to the Filipino youth. They invest their knowledge, time and energy in molding our youth. It is high time for the State to do the same for our educators, who are considered among the pillars of our society,” ayon kay Duterte.

Sa ilalim ng House Bill (HB) 4697 na inihain ni Duterte ay bibigyan ng libreng scholarship ang mga guro na kukuha ng kanilang graduate and post-graduate studies.

Sakop ng HB 4697 ang mga guro, guidance counselors, school librarians, industrial arts o vocational instructors at mga kawani na nasa supervisory o administrative functions sa mga public schools, colleges at universities.

“To be eligible for the scholarship, the applicant should be in active duty for at least two consecutive years immediately prior to the date of application for the grant. The scholarship is applicable in all SUCs,” ayon kay Duterte.

Bukod dito ay bibigyan din ng educational cash assistance ang mga anak ng mga guro na nakaenrol sa etate universities at colleges (SUCs), ang halaga ng aid ay depende sa itatakda ng Commission on Higher Education (CHED).

Samantala inihain din ni Duterte kasama sina Quezon City Rep. Ralph Tulfo, ACT-CIS Partylist Rep. Jocelyn Tulfo at Benguet Rep. Eric Yap ang House Bill 456 o “Teachers for the Barrios Act”.

Ipinaliwanag ni Duterte na layong amyendahan ng HB 456 ang Section 19 ng Republic Act 4670 o Magna Carta for Public School Teachers kung saan ang mga public school teachers na maitatalaga sa mga malalayong lugar ay bibigyan ng hardship allowance.

Sa ilalim ng panukala ay makakataggap ng allowance ang mga guro na katumbas ng kanilang dagdag na gagastusin kada buwan dahil sa naitalaga ito sa malalayong lugar.

“Aside from the allowance, in the event that the teacher assigned to a far-flung barrio would need to stay in a temporary housing facility, the head of the barangay in that area is mandated to secure suitable and safe housing for the teacher,” nakasaad sa panukala.

Isa pang pro-education bill na HB 3542 ang inihain nina Duterte at Yap, layon nito na bigyan ng communications at internet data allowance ang mga public at private school teachers sa panahon na mayroong public health emergencies, calamities o iba pag pagkakataon na walang pasok sa mga paaralan.

Bukod sa internet data, isinusulong din sa panukala na magkaroon ng computer ang mga guro mula sa public at private schools.

“This is necessary as the pandemic has demonstrated how alternative modes of learning need to be incorporated into the country’s educational system to ensure continued access to education,” paliwanag nina Duterte at Yap sa explanatory bill.

Matatandaan na una na ding inihain nina Duterte at Yap ang HB 3543 na nagsusulong na bigyan ng P2,000 na Teaching Supplies Allowance kada buwan ang mga guro. Gail Mendoza