School reopening sa S. Asia hinikayat ng UN

School reopening sa S. Asia hinikayat ng UN

December 13, 2021 @ 4:24 PM 10 months ago


KATHMANDU- Dapat nang magbukas ang mga paaralan sa India at mga karatig-bansa nito sa lahat ng estudyante upang matugunan ang naantalang edukasyon ng mahigit 400 milyong mag-aaral sa pagsasara ng mga silid-aralan sanhi ng coronavirus disease (COVID-19) disease pandemic, giit ng Unicef noong Huwebes, kung saan isang opisyal pa ang nagbabala na maaaring magtagal ng ilang dekada ang epekto ng pagsasara ng mga eskwelahan.

Halos 18 buwan nang sarado ang mga paaralan sa Bangladesh, isa sa puinakamatagal na pagsasara ng paaralan sa buong mundo, ayon sa UN children’s agency, habang ang mga paaralan naman sa ibang mga bansa sa South Asia ay tinatayang 31.5 linggong sarado sa pagitan ng March 2020 at Agosto 2021.

“This happened in a region where there were no strong conditions for remote learning,” sabi ni George Laryea-Adjei, regional director for South Asia ng Unicef, sa AFP.

“Access to internet and devices was very uneven. And we see a severe learning deficiency, especially among poor communities and girls — because often boys are more trusted with technology,” dagdag pa niya.

Nakita rin sa pag-aaral na naging sanhi ng hindi pagpasok sa mga paaralan ang psychosocial distress, poor mental health at increased risk of violence. Habang ang mga kababaihan naman ay high risk sa maagang pag-aasawa.

Nanawagan naman ang Unicef report sa mga gobyerno sa South Asia na unti-unting ibalik ang in-person learning at siguruhing makasusunod ang mga estudyante, maging ang pagpapabuti sa connectivity.

“The cost of inaction would be a weaker labour force in a few years, it is going to show,” ayon kay Laryea-Adjei. “The consequences will be long term.” RNT/SA