School Year 2022-23 umarangkada na!

School Year 2022-23 umarangkada na!

August 22, 2022 @ 6:59 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Umarangkada na ang unang araw ng pagbabalik-eskwela ng mga estudyante para sa School Year 2022-2023 sa gitna ng COVID-19 pandemic ngayong Lunes, Agosto 22, 2022.

Sa pinakahuling datos ng Department of Education (DepEd), nasa 27.6 milyong estudyante ang nakaenrol para sa ngayong pasukan, ito ay kaonting kapos sa target ng ahensya na 28.6M.

Para sa pasukang ito, ikakasa ang blended learning o kombinasyon ng in-person classes at distance learning mula Agosto hanggang Oktubre sa lahat ng pampubliko at pribadong ospital. Ito ay para kahit papano ay mahanda ang mga estudyante at magulang para sa full implementation ng face-to-face classes simula Nobyembre 2.

Sa datos ng DepEd, sinabi ng kanilang tagapagsalita Atty. Michael Poana nasa 24,765 private at public schools sa buong bansa o 46% ang magpapatupad ng in-person classes habang 29,721 schools nationwide o 51.8% ang magkakasa ng blended learning modality.

Para sa pasukan ang unang kwarter ay naka-set mula Agosto 22 hanggang Nobymebre 4, 2022; ang second quarter ay mula Nobyembre 7, 2022 hanggang Pebrero 3, 2023; ang third quarter naman ay mula Pebrero 13 hanggang Abril 28, 2023, at ang fourth quarter ay mula Mayo 2 hanggang Hulyo 7, 2023.

Ang Christmas break ay magsisimula mula December 19, 2022 at balik-klase na sa Enero 2, 2023. Magkakaroon din ng mid-year break mula Perero 6 hanggang 10, 2023.

Ang end-of-year rites ay mula Hulyo 10 hanggang 14, 2023. RNT