Schroder balik sa Lakers

Schroder balik sa Lakers

September 18, 2022 @ 2:58 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Muling magbabalik sa Los Angeles Lakers ang free agent na si point guard Dennis Schroder.

Mismong si Schroder ang kumumpirma ng kanyang paglalaro sa Lakers.

Matatandaang ginugol ni Schroder ang 2020-2021 season kasama ang veteran star na si LeBron James.

Ayon sa ulat, inalok si Schroder ng Lakers ng one year contract na nagkakahalaga ng $2.64 million.

Kumakamada si Schroder ng kabuuang 15.4 points at 5.8 assists kada laro noong siya ay nasa poder pa ng Lakers.

Una rin siyang inalok ng Los Angeles ng apat na taong kontrata na nagkakahalaga ng $80 milyon ngunit tinanggihan niya ito.

Sa kanyang post, sinabi ni Schroder na hindi para sa kanya ang taong ito kaya naman babalik na siya sa pinakamalaking basketball team na Lakers para ituwid ang lahat.

Kumpiyansa si Schroder na mas susuportahan siya sa pagbabalik niya sa koponan.JC