Scientists, ‘beacons of light’ tungo sa nat’l development – PBBM

Scientists, ‘beacons of light’ tungo sa nat’l development – PBBM

March 11, 2023 @ 11:27 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga scientists at experts ng bansa na ipagpatuloy lamang na palawakin ang kanilang larangan ng kadalubhasaan lalo pa’t kinokonsidera ang mga ito bilang “beacons of light” tungo sa pag-unlad ng bansa.

Sa idinaos na 2023 Annual Scientific Conference at 90th General Membership Assembly ng National Research Council of the Philippines (NRCP) sa Pasay City, sinabi ni Pangulong Marcos na sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng siyensiya at good governance, maaaring makapagtayo ang bansa ng “much-improved future” para sa susunod na henerasyon ng mga Filipino.

“I cannot think of a better, a more qualified group of individuals who will help clear the shadows of doubt and become beacons of light, than our women and men in the fields of science,” ayon sa Pangulo.

Sinabi rin ng Pangulo sa mga attendees na ang paggamit ng ng siyensiya at teknolohiya, at maging ang evidence-based solutions ay maaaring maging daan para sa mas makahulugang aksyon at polisiya para makamit ang national development.

“Imagine what we can accomplish together once we light our path with the foundations of science: sustainable agricultural technology that will help our farmers; cities that will run on green energy; safe and affordable medicines for diseases that were once thought incurable, amongst many others successes that we have seen from the scientific field,” dagdag na wika.

Sinabi ng Pangulo na maaaring makatulong ang mga scientists at experts na mabago o mapalitan ang negatibong persepsyon o pang-unawa sa “volatile, uncertain, complex, and ambiguous” (VUCA) global environment sa pamamagitan ng baguhin ang tradisyonal na paraan ng pagtaguyod sa buong mundo.

“Indeed, this year’s theme speaks well of your community’s stand to challenge the uncertainties ahead with innovation, with research, and evidence-based solutions,” ayon kay Pangulong Marcos, tinukoy ang nilalayon ng summit na makamit ang “Visionary, Understandable, Clear, Agile, Digital, and Diverse” (VUCAD2) future.

Samantala, binati naman ng Pangulo ang Department of Science and Technology (DOST) at ang NRCP para sa matagumpay na pag-organisa sa 2023 Annual Scientific Conference.

Pinuri rin ng Pangulo ang mga outstanding scientists, researchers, at experts ng bansa mula sa iba’t ibang larangan para sa kanilang hindi matatawarang kontribusyon na naging bahagi ng solidong pundasyon ng lipunan ng Pilipinas.