Scott Wilson, pumanaw na!

Scott Wilson, pumanaw na!

October 8, 2018 @ 12:05 PM 4 years ago


 

United States – Pumanaw na ang aktor na gumanap bilang Hershel Greene sa sikat na zombie film na ‘The Walking Dead.

Sa edad na 76-anyos, pumanaw na si Scott Wilson, ayon sa kumpirmasyon na ipinost sa official Twitter account ng sikat na television series na The Walking Dead nitong Linggo (Manila time).

“We are deeply saddened to report that Scott Wilson, the incredible actor who played Hershel on #TheWalkingDead, has passed away at the age of 76. Our thoughts are with his family and friends. Rest in paradise, Scott. We love you!” ayon sa tweet.

Si Wilson ay nagkaroon ng mahigit 80 pelikula at television credits sa kaniyang pangalan. Noong 2017, ginampanan niya ang role ni Cyrus Lounde sa kaniyang huling pelikulang “Hostiles.”

Ginampanan niya ang role ni Hershel Greene mula 2010 hanggang 2014 sa The Walking Dead. Kahit na mas kilala si Wilson sa kaniyang mga TV series, ang aktor ay naging parte rin ng CSI, Damien, Bosch at The OA ng Netflix./Remate News Team