Scottie Thompson at Jinky Serrano, may second wedding na!

Scottie Thompson at Jinky Serrano, may second wedding na!

December 14, 2021 @ 2:58 PM 9 months ago


Manila, Philippines – Matapos mag-trend sa social media ang kanilang wedding, muling magpapakasal ang PBA star na si Scottie Thompson at asawang si Jinky Serrano.

Very controversial ang kasalan ng dalawa. Matatandang imbis na puro heart at care reacts ang makuha kagaya ng usual wedding pictures couples, pinutakte ng “haha” reacts ang mga larawan nina Scottie at Jinky.

Malamang hindi pa rin nakaka-move on ang netizens, especially ang fans and supporters ni Scottie lalo’t January lang kasi ng kasalukuyang taon nang mag-propose ito sa dating kasintahang si Pau Fajardo, at hindi nga natuloy ang kasal.

Kaya nagulantang ang netizens ng biglang pinakasalan nito si Jinky.

Malinaw naman sa statements ni Thompson na wala itong regrets sa pagpapakasal kay Serrano pero hindi lang basta statements, dahil heto nga, nakatakdang magpakasal for the second time around ang mag-asawa this coming December 17!

Litong-lito ang netizens nu’ng una, pero guys this is it! Second wedding na, siguro naman maniniwala na kayo na true love ito.

Let’s give him/them the benefit of the doubt. There must be a valid reason behind the biglaang wedding sa ibang babae matapos mag-propose sa ibang babae rin. Oops!

Comment down below kung kalma na kayo. Baka naman sa second set of wedding pics nila, hindi na puro “haha” react no? Haha. Paula Jonabelle Ignacio