Scottie Thompson, inilabas na ang babaing pinakasalan!

Scottie Thompson, inilabas na ang babaing pinakasalan!

October 13, 2021 @ 4:31 PM 4 days ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Alam na ng madla ngayon kung ano ang itsura ni Jinky Serrano na pinakasalan ng professional basketball player na si Scottie Thompson. Isang kasalan ‘yon na naging kontrobersyal sa social media dahil ibang babae ang alam ng madla na matagal nang girlfriend ni Scottie at napabalitang pakakasalan n’ya: si  Pau Fajardo.

Pero bigla nga n’yang pinakasalan si Jinky pero walang inilabas na wedding photo si Scottie.

Kamakailan ay naglabas siya sa Instagram n’ya ng litrato nila ni Jinky na magkasama sa isang resort. Naka-swimsuit si Jinky. Emojis lang ang inilagay ni Scottie na caption.

Thompson na ang gamit na apelyido ni Jinky. Danny Vibas


  •  
  •  
  •