Screenshot notif lalabas na sa ‘disappearing Messenger chats’

Screenshot notif lalabas na sa ‘disappearing Messenger chats’

January 28, 2022 @ 12:00 PM 8 months ago


MANILA, Philippines – May bagong inilabas na feature ang social media giant sa Messenger nito.

Sinabi ni Meta CEO Mark Zuckerberg na ang mga gumagamit ng disappearing message ay malalaman na kung ini-screen shot ng kausap ang nasabing mensahe.

Ibig sabihin nito, sa disappearing message na isang function sa messenger, hindi na makukunan ng litrato nang palihim ang laman ng palitan ng mga mensahe.

Dinagdagan din ng Facebook ng GIFs, stickers, reactions, at long-press para makareply o makapag-forward ng mensahe na opsyon sa end-to-end encrypted chats.

Ang End-to-end encryption o disappearing message ay ginagamit para mapanatili ang personal na pag-uusap na ligtas laban sa mga hacker at kriminal. RNT