Scroll Free September: No Social Media sa 1 buwan, pinanawagan

Scroll Free September: No Social Media sa 1 buwan, pinanawagan

July 30, 2018 @ 7:40 PM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Iniinganyo ang mga social media devotees na mag “take back control” at tumigil muna sa pag-scroll ng kanilang mga feeds sa loob ng isang buwan.

Ang Scroll Free September ay kampanya ng Royal Society for Public Health kung saan target ang mga users ng Facebook, Instagram, Twitter at Snapchat.

Ayon sa kanila naniniwala silang ang pansamantalang pag log-off ay makakatulong sa pagpapabuti ng pagtulog, relasyon at pansariling kapakanan.

Sa inilabas na research ng RSPH, kalahati sa mga social media users na may edad 18-34 ang magkakaroon ng positibong epekto sa real-world relationships at mental health.

Nangangamba ang RSPH na maaring magkaron ng mental health crisis ang mga ‘phone addicts’ kung hindi ito malilimitahan. Kaya’t umaasa sila na sa pamamagitan ng kampanyang ito maraming mga users ang matutulungan.

Sa kasalukuyan ay patuloy ang pangangampanya nila sa Twitter upang makiisa sa kanilang Scroll Free September Campaign. (Remate News Team)