SCS issue ididiga ni PBBM kay Xi

SCS issue ididiga ni PBBM kay Xi

November 10, 2022 @ 10:14 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines-Nagpahayag ng kanyang intensyon si Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr.  na talakayin kay Chinese President Xi Jinping ang  usapin ukol sa South China Sea (SCS) sa  sidelines ng  40th at 41st Association of Southeast Asian (ASEAN) Summit and Related Summits sa Phnom Penh, Cambodia.

Binigyang-diin ni Pangulong Marcos ang kahalagahan na  makahanap  ng paraan para maayos na ang long-standing territorial disputes sa SCS sa pagitan ng Pilipinas at iba pang  littoral states  kabilang na ang China.

Imposible aniya na hindi niya mabanggit ang usapin sa SCS kay Xi kapag nabigyan siya ng pagkakataon na magkaroon ng pakikipagpupulong sa kanyang counterpart.

“Those kinds of discussions, especially with the West Philippine Sea, I’m hoping to do that with the Chinese President,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa mga  reporters  na lulan din ng  presidential plane.

“So, hopefully, ‘yun ang magiging isang subject matter na pag-usapan namin … It’s impossible for me to talk to China without mentioning that,” dagdag na pahayag nito.

Sa kanyang pre-departure speech, sinabi ni Pangulong Marcos na ang 40th at 41st ASEAN Summits and Related Summits ay magsisilbing platform para tugunan ang regional issues, kabilang na ang developments o mga kagananapan sa  SCS.

Ito naman ang kauna-unahang pagkakataon na magpapartisipa si Pangulong Marcos sa ASEAN meetings na idaraos ngayong araw, Nobyembre 8 sa Cambodia hanggang Nobyembre 13.

“Kailangan natin makahanap ng paraan para i-resolve itong issue na ito,” aniya pa rin.

Kinilala naman ng Pangulo ang pangangailangan na tuldukan ang negosasyon ukol sa  Code of Conduct (COC) para ma-promote na ang “peace at stability” sa pinagtatalunang katubigan.

Giit nito na “there were no changes,”  sa kabila ng implementasyon ng 2002 Declaration on the Conduct (DOC) of Parties sa SCS.

Matatandaang, tinintahan ng ASEAN at China ang  DOC noong Nobyembre  4, 2002 para “exercise self-restraint and promote non-militarization within the busy waterway.”

“The first declaration that we had also said that. That no changes. Pero marami nang nagbago, that’s why we need this new code of conduct,” ayon sa Pangulo. Kris Jose