SEA Games: Agatha Wong, Jones Inso wagi ng silver, bronze sa wushu

SEA Games: Agatha Wong, Jones Inso wagi ng silver, bronze sa wushu

May 14, 2022 @ 2:25 PM 1 month ago


HANOI, Vietnam – Nadagdag pa ng dalawang medalya ang Pilipinas sa nagpapatuloy na 31st Southeast Asian Games sa Vietnam.

Wagi ng silver medal sa women’s taolu taijiquan event ang wushu athlete na si Agatha Wong habang bronze medal naman ang ibinulsa ni Jones Inso sa taolu taijijian event.

Ito na ang ikalawang medalya ni Inso sa biennial meet matapos na una niyang masungkit ang silver medal sa men’s taijiquan event noong Biyernes. RNT/ JCM