SEA Games: Kim Mangrobang, ginto sa women’s triathlon!

SEA Games: Kim Mangrobang, ginto sa women’s triathlon!

May 14, 2022 @ 1:09 PM 2 weeks ago


HANOI, Vietnam – Nasungkit ng Pinay triathlete na si Kim Mangrobang ang ikatlong sunod nitong gintong medalya sa women’s triathlon ng Southeast Asian Games na ginanap sa Tuan Chau sa Quang Ninh.

Habang nasungkit ng kasama nitong si Raven Alcoseba ang bronzed medal sa kaparehong kompetisyon.

Dahil dito, apat na medalya ang napanalunan ng Pilipinas sa triathlon event kung saan una nang nagtapos sa gold-silver finish sa men’s triathlon sina Fernando Casares at Andrew Remolino. RNT/ JCM