Sea trips patungong N. Samar suspendido sa masamang panahon

Sea trips patungong N. Samar suspendido sa masamang panahon

October 27, 2022 @ 4:39 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Suspendido ang biyahe ng mga sasakyang pandagat sa Northern Samar bilang bahagi ng precautionary measures dahil sa bagyong Paeng, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).

Sinabi ng PCG na ito ay tumutukoy sa mga lugar na itinaas ang Signal no.1 kasama ang Catanduanes, ang silangang bahagi ng Albay (Rapu-Rapu), silangang bahagi ng Sorsogon (Pieto Diaz, Gubat, Barcelona, Bulusan, Santa Magdalena, Irosin, Juban, Casiguran, Sorsogon City), Eastern Samar, Northern Samar at Samar.

“In this regard, all trips en route to Northern Samar are hereby suspended due to Tropical Cyclone Wind Signal No.1 being hoisted by PAGASA,” sabi ng PCG.

Bukod dito, hindi rin pinapayagang mangisda ang mga maliliit na fshing boat at iba pang maliliit na bangka sa mga baybaying apektado ng bagyo.

Sa weather advisory ng PAGASA, umaga ng Biyernes hanggang gabi ay inaasahan ang bahagya hanggang malakas na pag-ulan sa Bicol region at Eastern Visayas habang light to moderate na may panaka-nakang malakas na ulan sa buong MIMAROPA, BARMM, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Caraga,Quezon, Cagayan, Isabela, Apayao, Aurora at iba pang bahagi ng Visayas. Jocelyn Tabangcura-Domenden