Seaborne operations specialization nais ni Cascolan sa SAF

Seaborne operations specialization nais ni Cascolan sa SAF

October 26, 2020 @ 1:58 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Inirekomenda ni Philippine National Police (PNP) chief General Camilo Pancratius Cascolan na ang elite police commandos mula sa Special Action Force (SAF) ay dapat magkaroon espesyalisasyon sa seaborne operations dahil sa geographical features ng bansa.

Mahalaga aniya ang seaborne training programs lalo pa at napaliligiran ang Pilipinas ng higit 7,000 isla.

“SAF will be specialized in such a way that we will be training more of seaborne operations. This is part of further improving their operational capability,” pahayag ni Cascolan.

Samantala, kasalukuyang ang seaborne-trained SAF ay nakakalat sa kanlurang bahagi ng Mindanao lalo pa sa Zamboanga.

“If we have seaborne [operations] in Mindanao, we dream that there are also seaborne troops in the Visayas and the northern tip of Luzon,” lahad ni Cascolan. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...