Seafarers, OFWs turukan din ng 4th COVID-19 vax – Galvez

Seafarers, OFWs turukan din ng 4th COVID-19 vax – Galvez

April 27, 2022 @ 11:55 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Inirerekomenda ni Vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na isama ang seafarers at overseas Filipino workers (OFWs) sa pagbabakuna ng ikaapat na dose ng COVID-19 vaccine.

“We are also respectfully recommending to HTAC (Health Technology Assessment Council) that they should also look to include the seafarers kasi kinakailangan po ng seafarers po natin saka ng OFW na kailangan fourth dose na rin po sila kasi dito po sa Qatar at saka dito sa UAE, nire-require po ng kanilang employer na fourth dose na po,” pahayag ni Galvez nitong Miyerkules.

Sa kasalukuyan, ang mga kabilang lamang sa inaprubahan ng Food and Drug Administration para sa pagtuturok ng fourth dose o second booster ay health workers, senior citizens, at immunocompromised individuals.

Subalit kasalukuyan lamang itong limitado para sa mga immunocompromised dahil madali umanong humina ang kanilang immunity laban sa virus. RNT/SA