Seal of Good Governance, iginawad sa Navotas

Seal of Good Governance, iginawad sa Navotas

December 16, 2022 @ 11:07 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Muling nasungkit ng local na pamahalaan lungsod ng Navotas ang Seal of Good Local Governance Award mula sa Department of Interior and Local Government.

Tumanggap ng pagkilala ang lungsod at top 2 Compliant LGU para sa solid waste management sa Manila Bay Clean-up Rehabilitation and Preservation Program habang ikatlo sa kategoryang pang lungsod sa Manila BAYani Awards at Incentives 2020.

Nakamit din ng lungsod ang Gawad Kalasag Seal of Excellence sa Local Disaster Risk Reduction and Management mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council.

Pinasalamatan naman ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco ang mga Navoteño sa ipinakitang suporta sa pamahalaang lungsod.

“The active participation and constant support of our people contributed greatly to the success of our projects and programs and the achievement of these awards and they inspire us to continue giving the best services they deserve,” ani Mayor Tiangco.

Sa ilalim ng SGLG, pumasa ang Navotas sa apat na pagtatasa tulad ng financial administration, disaster preparedness and social protection at peace and order.

Dumaan rin sa pagtatasa sa sensitivity program, health compliance, sustainable education, business friendliness, environmental management, tourism, heritage development and youth development.

Ipinagkaloob din sa Navotas ang seal noong 2015, 2017 at 2019 habang nagtamo ng Bronze at Silver Seals of Good Housekeeping noong 2011 at 2012. R.A Marquez