Seaman, 2 pa arestado sa buy bust

Seaman, 2 pa arestado sa buy bust

August 8, 2018 @ 2:41 PM 4 years ago


Navotas City – Timbog  ang isang seaman kabilang ang dalawa pang kasamahan nito na hinihinalang drug personalities  sa isinagawang buy bust operation ng pinagsamang pwersa  ng otoridad  kagabi (August 7) sa Navotas City.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Nelia Patani, 54, Arnel Patani, 54 at Kiel Villanueva, 26, pawang mga residente ng Brgy. North Bay Boulevard South (NBBS).

Batay sa  isinagawang imbestigasyon ni PO3 Alfredo Rago Jr., dakong alas-11:30 ng gabi nang isagawa ang buy-bust operation laban  kay alyas ‘Nelia’ sa Brgy. NBBS.

Kaagad inaresto ng mga operatiba ang mga suspek matapos iabot sa pulis na nagpanggap na poseur-buyer ang isang plastic sachet ng shabu kapalit ng P1,500 marked money.

Narekober sa mga suspek ang apat na transparent plastic sachet na naglalaman ng 10 gramo ng hinihinalang shabu at ang mark money. (Roger Panizal)