Seaman, na-lockdown sa COVID-19; patay sa AFP-NPA encounter

Seaman, na-lockdown sa COVID-19; patay sa AFP-NPA encounter

August 9, 2020 @ 5:00 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Ilocos Sur – Namatay ang isang seaman nang tamaan ng ligaw na bala mula sa mga baril ng sundalo at New People’s Army na nagbakbakan sa Ilocos Sur kahapon.

 

Kinilala ang biktima na si Diosdado Valdez, ng Parioc 1st, Candon City, Ilocos Sur.

 

Napag-alamang lumabas umano ito ng bahay para magbayad ng talong na inaangkat at itinitinda ng ina nito.

ctto: Peter Peepay Valdez

Habang pauwi na ito, natiyempong nagsimula ang putukan ng magkabilang panig at natamaan ito ng bala na kanya ring ikinamatay.

 

Sumasakay sa barko si Valdez ngunit nang magbakasyon nitong Marso 2020, nahagip ito ng lockdown kaugnay ng community quarantine na pinaiiral ng pamahalaan laban sa coronavirus disease-19.

 

Habang naghihintay ng pagluwag ng kalagayan sa kanyang pagbabalik-trabaho, tumutulong muna ito sa kanyang mga magulang na naghahanapbuhay sa pamamagitan ng buy and sell ng mga gulay.

 

Bumuhos naman ang pakikiramay sa pamilya ng biktima kasabay ng panawagan ng mga mamamayan sa bayan ng Sta. Lucia at Candon City, kapwa sa Ilocos Sur na itigil na ng magkabilang panig ang giyera sa isa’t isa.

 

Ginawa ang panawagan upang luluwag daw ang kanilang gipit nang kalagayan dahil sa pandemyang dulot ng COVID-19.

 

Matatandaang nagkaroon na rin ng engkwentro sa Sta. Cruz na kadikit lang na bayan ng Sta. Lucia kamakailan lang na ikinamatay naman ng isang sundalo. RNT/Fred Cabalbag


  •  
  •  
  •  

Loading...