Sean de Guzman, hindi mananakit ng babae, patama kay Kit?

Sean de Guzman, hindi mananakit ng babae, patama kay Kit?

March 20, 2022 @ 1:00 PM 3 months ago


Manila, Philippines – Dahil sa pinag-uusapang diumano’y pananakit ng aktor na si Kit Thompson sa kanyang girlfriend na si Ana Jalandoni ay hindi nakaligtas ang Viva contract artist na si Sean de Guzman na usisain tungkol doon.

Sa mediacon ng pelikulang Island of Desire ay tinanong si Sean kung sasaktan din ba niya ang kanyang girlfriend kung sakaling magselos siya at magkaroon sila ng heated argument?

“Hindi po. Tatahimik lang ako at mag-iisip ng maraming beses kung ano ang dapat kong gawin sa aking relasyon.

“At hinding hindi ako mananakit ng babae. Hindi naman dapat sinasaktan ang babae, much more kung girlfriend mo. Kahit na nagseselos ka pa,” sabi pa ni Sean.

FYI ay may ilang pelikula na rin na nagawa ang kontrobersiyal na aktor na si Kit sa Viva.

Anyway, ang bagong movie ni Sean na Island of Desire ay isang sexy drama na pinagbibidahan din ng iba pang mga rising stars ng Vivamax na sina Christine Bermas, Jela Cuenca at Rash Flores.

Maituturing na breakaway star si Sean ngayong pandemic lalo’t bumilang na rin siya ng mga pelikula sa Vivamax and to name a few, nagawa na niya ang Nerisa, Taya, Bekis on the Run, Mahjong Night, and Hugas.

Ang Island of Desire ay mula sa multi-awarded at isa sa pinaka-respetadong direktor ng bansa, si Joel Lamangan.

Mapapanood na rin ang nasabing pelikula sa Vivamax simula April 1, 2022. JP Ignacio