Sean de Guzman, napagkamalang sikyo, inutusan!

Sean de Guzman, napagkamalang sikyo, inutusan!

October 13, 2022 @ 9:00 AM 2 months ago


Pampanga, Philippines – Natatawang kinuwento ng award winning actor na si Sean de Guzman ang kanyang experience habang nagsu-shooting sila sa Pampanga for his soon-to-be shown movie na Relyebo.

Isang security guard kasi ang role ni Sean which he played effectively. ‘Yun pala, may kinausap siyang tunay na SG sa Pampanga, hanggang sa ‘yun na ang kanyang naging peg para sa kanyang role na isang SG, na naninilip sa buhay ng mga nakatira sa apartment na kanyang binabantayan.

“Sa shooting, naka-SG uniform ako nu’n and kumpleto sa gear, siyempre nagpapahinga muna ako nu’n pero hindi sinasadyang nakita ako ng isang babae and nautusan tuloy ako na buhatin ‘yung dala niya.

“It only means na effective ang pagkausap ko sa tunay na SG dahil na-imbibe ko agad ang tunay na character ng isang security guard,” sabi pa niya.

Truth is,marami ang humanga sa kanyang performance sa Relyebo. Truly a best actor in the real sense of the word.

FYI ay nasungkit ni Sean ang 2 best actor award ssa recently concluded International Anatolian Film Awards at sa Chithiram International Film Festival in India for his movie Fall Guy.

“Honestly, nape-pressure ako kasi nanalo na nga ako ng 2 best actor awards, abd every time na sumasalang ako in front of the camera, parang need ko patunayan. Pero I’m trying to get used to it,” sabi pa ni Sean.

Ngayong recognized na si Sean bilang isang tunay na aktor, tatanggap pa ba siya ng mga extreme sexy roles sa mga future projects?

“As an actor, hindi tayo dapat mag-stick sa isang genre, need natin maging versatile like papasukin muna natin ang drama. Pero kung maganda talaga ang script at need maghubad sa istorya, e, gagawin pa rin natin,” sabi ni Sean.

Kasama ni Sean sa movie sina Crustine Bermas, Jela Cuenca, Jeric Raval at Lara Morena, sa direksyon ni Crisanto Aquino. JP Ignacio