Sean de Guzman, nasungkit ang best actor sa int’l filmfest!

Sean de Guzman, nasungkit ang best actor sa int’l filmfest!

September 6, 2022 @ 7:30 PM 4 weeks ago


Manila, Philippines – Aminado si Sean de Guzman na halo-halo ang naramdaman niya nang ibalita sa kanya ng line producer/talent manager na si Dennis Evangelista na nanalo siyang Best Actor sa CHITHIRAM International Film Festival sa India.

Ito’y para sa pelikulang Fall Guy ng 3:16 Media Network at Mentorque Productions. Ito ay mula sa pamamahala ng batikang direktor na si Joel Lamangan.

Pahayag ni Sean, “Noong tinawag sa akin ni Sir Dennis ‘yung balita, nasa shoot ako, 6AM in the morning iyon. Wala pa ako sa ulirat, tapos ganoon ang balita.

“Kaya halo-halo ang pakiramdam ko, hindi ko alam kung tatalon ba ako, kikiligin o iiyak sa balita na nakarating sa akin.”

Sinabi pa ng guwapitong alaga ni Ms. Len Carrillo na hindi niya expected ito.

“Wala akong anomang expectation… bago kasi namin gawin ang Fall Guy, hindi ba sinabi ni direk Joel Lamangan sa storycon nito na magkaka-award daw ako rito sa pelikula?

“So, kinabahan talaga ako noong sinabi niya iyon. Kaya I did my very best talaga para patotohanan ang sinabi ni Direk Joel. Tapos, ayun, nagdilang anghel si direk Joel,” masayang saad pa ni Sean.

Sa achievement na ito ni Sean, una niyang pinasalamatan ang Diyos, ang mga taong naniniwala sa kanya, ang kanyang pamilya at malalapit na kaibigan, sa kanyang 3:16 Family, kay direk Joel, at higit sa lahat sa kanyang Nay at manager na si Ms. Len na talagang naniwala sa kanyang talento, na sa hirap at ginhawa ay hindi sila iniwan at pinabayaan.

Marami pang kaabang-abang na pelikula si Sean, kabilang na rito ang My Father, Myself, na pinagbibidahan din nina Jake Cuenca, Dimples Romana, at Tiffany Grey, mula pa rin sa pamamahala ni Direk Joel.

Dito’y pinuri ng kanyang managaer ang husay ni Sean at nabannggit ni Ms.Len na sa My Father, Myself ay ‘aktor’ na talaga ito. Nonie Nicasio