Sean de Guzman, natawa sa sex scene!

Sean de Guzman, natawa sa sex scene!

August 6, 2022 @ 12:10 PM 2 weeks ago


Manila, Philippines – Bold and daring ang sex scenes ng aktor na si Sean de Guzman sa sexy star na si Cloe Barreto sa Vivamax movie na Influencer. Pero sinabi rin ni Sean na nag-enjoy siya sa eksena dahil puro tawanan ang nangyari bago pa ito kunan ng direktor na si Louie Ignacio.

“Sabay na halos kaming lumaki sa management namin. Kaya ayun, before the sex scene, nagtatawanan kami. Same din after the sex scene, nagtatawanan pa rin kami. Parang hindi namin inaasahan, hindi kami makapaniwala na kaya naming gawin ‘yun,” kwento ni Sean.

Nag-usap ba sina Sean at Cloe sa preparation bago gawin ang mainot na loce scene?

“Siyempre po, bago namin gawin ang isang eksena, pinag-uusapan muna namin talaga.

“’Yung mga restrictions, ‘yung mga bawal na gawin ko sa kanya. Or kung paano namin ide-deliver ‘yung mga eksena.

“Kahit komportable na kami sa isa’t isa, may mga bawal din…like ‘yung kunyari, may sucking sa nipples, ganyan, ‘di ba? Ayun ‘yung mga restriction na sinabi niya sa akin,” sabi ni Sean.

Si Sean, walang restrictions kaya pwede kahit anong gawin ng kaeksena niya.

“‘Pag nasa eksena na kami, hindi na namin iniisip ‘yung ilang. Hindi na namin iniisip na matagal na kaming magkakilala.

“Parang nandu’n na talaga kami sa eksenang ‘yun. So, kahit maglaplapan kami nang todo, wala na kaming pakialam,” seryosong sabi ni Sean.

Si Cloe  naman ay nag-enjoy din.

“Nag-e-enjoy po ako! Laban kung laban,” pahayag ni Cloe matapos ang private screening ng The Influencer.

Member si Sean ng Clique V samantalang kasama si Cloe sa Belladonas. Pareho silang mina-manage ni Mam Len Carrillo ng 3:16 Media Network.

Si Cloe ang bumida sa mga pelikulang Silab at Tahan. At gaya ng kanyang character sa pelikula, sa tunay na buhay ay aminado siyang

baliw siya kapag nagmahal.

“Baliw din po talaga ako sa pag-ibig. ‘Pag nagmahal po ako, walang bawal-bawal!” sabi ni Cloe.

Streaming ang pelikulang The Influencer sa Agosto 12, sa Vivamax. Ito ay sa panulat ng aktres din na si Quinn Carillo.

Kasama rin sa cast sina Elizabeth Oropesa, Ruby Ruiz, Soliman Cruz, Karl Aquino, at Calvin Reyes. JP Ignacio