Sean, iniwan ng jowa dahil kay AJ!

Sean, iniwan ng jowa dahil kay AJ!

January 27, 2022 @ 4:20 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Inamin ng bida sa pelikulang Hugas na si Sean de Guzman na ang kanyang leading lady sa pelikula na si AJ Raval ang dahilan kung  bakit single na ulit siya ngayon.

Ayon kay Sean, nakaapekto ang mga love scenes nila ni AJ sa Hugas sa kanyang relasyon sa ex-girlfriend.

Hindi umano nito kaya na nakikitang nakikipaghalikan siya sa iba na naging dahilan para makipaghiwalay ito sa kanya.

Ayon pa sa alaga ni Ma’m Len Carrillo, napagod ang kanyang ex dahil magkaiba sila ng field.

Kuwento naman ni AJ, nandoon siya noong nakipag-break ang ex ni Sean.

Nangyari ang hiwalayan nang nagba-vlog umano ang dalawa.

Matatandaang naghiwalay din sina AJ at dating nobyong si Axel Torres dahil mas pinili ng dalaga ang career kesa sa love life.

At sinabi ni Aj na ang isang dahilan ay ang paggawa niya ng daring roles sa pelikula.

Showing na ngayon ang Hugas at mapapanood ito sa Vivamax. Rommel Placente