Sean, tinukso sa indecent proposal, inalok ng bahay at kotse!

Sean, tinukso sa indecent proposal, inalok ng bahay at kotse!

April 8, 2022 @ 5:18 PM 3 months ago


Manila, Philippines – Si Sean de Guzman ang isa sa hottest actor na napapanood ngayon sa Vivamax.

Palabas na ngayon ang Island of Desire ni Direk Joel Lamangan na tinatampukan ni Sean kasama sina Christine Bermas, Jela Cuenca, Andrea del Rosario, Sheree, Quinn Carrillo, Rash Flores, at iba pa.

Sa April 10 naman mapapanood ang star-studded na Iskandalo series sa Vivamax.

Ang mga tulad niyang actor ay normal na lang na pinagpapantasyahan ng mga beki, paano niya naha-handle ang mga indecent proposal?

Tugon ni Sean, “Depende po sa offer, depende sa usapan, hahaha! Hindi joke lang po!”

Pero seryosong pag-amin niya, “May mga ganyan po, may mga ganyan. Marami po akong nae-encounter na ganyan. Pero siyempre, tayo po ay parang kumbaga, nagtitiwala tayo sa tamang proseso. Na kung may bagay man tayong gustong makuha, makukuha rin natin iyan someday, hindi ba? Basta pagpupursigehan lang talaga.”

May offer ba sa kanya mula sa isang gay na muntik na siyang masilaw?

Ano ang pinakamalaking offer na natanggap niya?

“Hindi naman kasi ako nasisilaw sa ganyan, eh,” aniya.

Ano nga iyong pinakamalaking offer na natanggap niya?

“Kotse at saka bahay,” matipid na sagot ni Sean.

Nang sabihin ng manager niyang si Ms. Len Carrillo na siya ang binubulabog ng kung sino-sinong tumatawag, natawa ang aktor bilang reaction.

“Kasi iyong page ko kasi, sabi niya (Len), ‘O, ilagay mo iyong number ko riyan.’ Kaya inilagay ko, tapos may mga tumatawag sa kanyang mga Bombay… Hahahaha! ‘O sige, bahala kang ma-stress, hahaha!’

“Inilagay ko po iyon para sa business or project, hindi sa monkey business, hahaha!

Sabi kasi ni Nanay (Len) ilagay ko iyong number niya, kaya inilagay ko, tapos siya rin ang sumuko. Kaya tinanggal ko na iyong number niya,” nakatawang wika pa ni Sean. Nonie Nicasio