Search and rescue ops sa mga biktima ng bumigay na tulay sa Bohol itinigil na

Search and rescue ops sa mga biktima ng bumigay na tulay sa Bohol itinigil na

April 30, 2022 @ 10:30 AM 2 months ago


LOAY, BOHOL- Matapos ang tatlong araw ng extensive search, itinigil na ng disaster response teams ang kanilang operasyon nitong Biyernes, para sa iba pa na maaaring nahulog sa ilog  kasunod ng nabaling tulay sa bayan ng Loay.

“All vehicles (that fell into the river) have already been inspected by the divers and there were no more bodies inside. No one was also reported missing,” ani Anthony Damalerio, provincial disaster risk reduction management officer.

Apat na indibidwal ang nasawi habang 24 oang sugatan nang bumigay ang Olegario B. Clarin Sr. Bridge, na mas kilala bilang Clarin Bridge, sa Loboc River, lampas alas-4 ng hapon nitong Miyerkules.

Kinilala ang mga namatay na sina Michael Ouschan, 30, mula Austria; Arnes Silos mula Dauis, Bohol; Emilia Gemina mula Villalimpia, Bohol; at Epifhany Oñada, 29, mula Tagbilaran City, Bohol.

Nakikipag-ugnayan na ang Department of Tourism sa Austrian Embassy sa Manila para maiuwi ang bangkay ni Ouschan, na nasa probinsya para sa kanilang honeymoon ng asawang si Julia, isa ring Austrian, ayon sa disaster officials.

Ayon kay Damalerio, palagay ng mga imbestigador, vehicle overload at kalumaan na rin ng tulay ang naging sanhi ng pagbigay nito. RNT/SA