Search, rescue ops patuloy sa 16 nawawala kay Ulysses – AFP

Search, rescue ops patuloy sa 16 nawawala kay Ulysses – AFP

November 22, 2020 @ 4:28 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Patuloy ang search and rescue operation ng Northern at Southern Command ng Armed Forces of Philippines sa 16 pang nawawala matapos humagupit ang bagyong Ulysses.

“Except lamang ito sa mga area na nagpapatuloy ang ating search, rescue and retrieval. Halimbawa na riyan ‘yung tropa natin sa NOLCOM na magpahanggang ngayon may mga hinahanap pa rin sila na missing na tao sa Banaue,” ayon kay AFP spokesperson Major General Edgard Arevalo sa panayam ng DZBB.

“Samantala, rito naman sa SOLCOM, ini-schedule na natin ang paghahanap naman dito sa mga nawawalang mangingisda at helicopter naman ang ating gagamitin,” dagdag nito.

Aniya, 64 labi na ang narekober sa operasyon ng AFP.

Habang 276,885 ang nai-rescue, 45 dito ay sugatan.

Sa huling tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, 73 na ang nasawi, 73 sugatan habang 19 ang nawawala. RNT/ELM


  •  
  •  
  •  

Loading...