Sec. Andanar, handang magsakripisyo para kay Sec. Roque

Sec. Andanar, handang magsakripisyo para kay Sec. Roque

October 6, 2018 @ 11:08 AM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Handang magsakripisyo si Presidential Communications Operations Office (PCOO) Sec. Martin Andanar para lamang hindi tumakbo si Presidential spokesperson Harry Roque sa 2019 mid-term elections.

Maugong kasi ang balita na tatakbo sa pagka-senador si Sec. Roque.

Napaulat naman na kinukunsidera kasi ‘di umano ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na lusawin ang PCOO at muling buhayin ang OPS at doon ilalagay si Sec. Roque.

Ang pamunuan ang OPS ang bagong posisyon na alok ng Chief Executive kay Sec. Roque.

Mapagkumbabang sinabi ni Sec. Andanar na importante na nasa communications ang tagapagsalita ng Pangulo

“I think, I’ve already done what I could and I’ve already achieved my objectives for the government media tulad ng PTV, sa Radyo Pilipinas, from zero to number seven rating ‘yung FM natin, at ang ating social media ay nandyan na rin. Siguro overall yung social media presence sa Facebook ng gobyerno, from not more than 400,000 before, ngayon almost four million na. So we’ve hit our objectives already”, ani Sec. Andanar

Malamang naman ang tugon nito sa tanong kung sa kanyang palagay ay lulusawin nga ang PCOO.

“Kasi nung huling Senate hearing di ba ay napag-usapan natin yan with the chairman ng committee, JV Ejercito, at sa panukala din ni Senate President Tito Sotto. Prior to that naman ay nag-usap din kami ni Senator Tito Sotto na ito nga, itong pagbuhay ng office of the Press Secretary. Sapagkat nung 2016, just for the record, ay mayroon tayong ginawa, yung opisina ko na executive order proposal na reverting the PCOO to the Office of the Press Secretary. Kasi alam naman natin kung anong nangyari nung 2010. Pagpasok ni PNoy ay binuwag ito, ginawang dalawa, PCDSPO at PCOO kasi existing naman talaga yung Office of the Presidential Spokesperson, base doon sa executive order ng panahon ni Tita Cory, 1989. So tuloy tuloy. So nangyari naging tatlo na yung tagapgsalita ni Presidente Aquino. So ngayon, this time around, hindi lang yung PCDSPO at PCOO yung pag-iisahin, pati yung Office of the Presidential Spokesperson ay isasama na. Talagang one, isa nalang at yun na ang Office of the Press Secretary. By the way, nung 1986, 87, yung Office of the Press Secretary ay talagang isa lang, walang Office of the Presidential Spokesperson,” paliwanag ni Sec. Andanar.

At sa tanong naman kung magbibitiw siya sa puwesto at bumalik sa pribadong sektor ay sinabi ni Sec. Andanar na nakaantabay lamang siya sa kung saan siya gustong ilagay ni Pangulong Duterte.

“Syempre kung alam ko naman, kung pakiramdam ko eh kaya ko naman ang susunod na assignment ko, gagawin ko. Wala namang problema, eh. Karangalan ang magsilbi sa bayan, magsilbi kay Pangulong Duterte,” aniya pa rin.

Okay din naman sa kanya sakali’t kunin siya ng ABS-CBN.

Samantala, wala pang ideya si Sec. Andanar kung sinu-sino ang ipapalit ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa 7 hanggang 8 cabinet members na tatakbo sa 2019 mid-term elections.

Ang sigurado lamang aniya siya ay kay Sec. Roque inalok ng Chief Executive ang OPS./Kris Jose