Sec. Andanar, ikinasa na ang imbestigasyon sa nangyaring PCOO online blunder

Sec. Andanar, ikinasa na ang imbestigasyon sa nangyaring PCOO online blunder

June 27, 2018 @ 8:28 AM 4 years ago


UPDATE – May  ginagawa ng administrative investigation ang Presidential Communications Operations Office (PCOO) hinggil sa pinakahuling blunder o pagkakamali sa online nito.

Lumabas kasi sa PCOO ang pangalang Winston Gatchalian sa halip na Senator Win Gatchalian.

Tiniyak ni PCOO Secretary Martin Andanar na magiging patas ang lahat ng proseso ng imbestigasyon para matukoy kung saan talaga ang pagkakamali.

Tulad aniya ng nangyari sa Philippine News Agency, hindi niya pa matiyak ngayon kung may maparurusahan at kung may kusang magre-resign dahil wala pa namang resulta ang isinasagawang imbestigasyon.

Tumanggi namang tukuyin ni Sec. Andanar kung sinadya ba talaga ang pagkakamali para siya ay mapahiya o sadyang honest mistake lamang ang nangyayari katulad ng mga nangyayari rin  sa mga malalaking news networks.

Sa kabilang dako, mas iniisip ngayon ni Sec. Andanar  ang proseso ng pagsasaayos sa PCOO para sa pagtatapos  ng kanyang termino ay makita ng sambayanan na talagang umasenso ang ahensiya katulad ng malaking pagbabago sa PTV4, Radyo Pilipinas1 o ang radio station ng gobyerno, Philippines News Agency at mga Social Media Pages ng PCOO. (Kris Jose)