Sec. Andanar, posibleng pumalit kay Sec. Tolentino

Sec. Andanar, posibleng pumalit kay Sec. Tolentino

October 10, 2018 @ 4:02 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines -Pumiyok si Presidential Adviser for Political Affairs Secretary Francis Tolentino na posibleng si Presidential Communications Secretary Martin Andanar ang pumalit sa kanya sa posisyon.

Ani Tolentino, tinawagan na siya ni Sec. Andanar at humihingi ng mga pointers kung ano ang mga ginagawa at mga iba pang trabaho ng isang Presidential Political Adviser.

Magugunitang, mismong si Sec. Andanar ang nagsabi na inalok siya ni Pangulong Duterte na maging Political Adviser kapalit ni Tolentino kasabay ng pagtakbo nito at ng pinaplanong pagbuo ng Office of the Press Secretary.

Kagabi ay inanunsyo naman ni Pangulong Duterte na itatalaga niya bilang isang Consultant si Sec. Andanar dahil marami pa itong kailangang gawin sa PTV 4. (Kris Jose)