SEC dumulog sa Google para i-ban ang lending apps na pinasara sa PH

SEC dumulog sa Google para i-ban ang lending apps na pinasara sa PH

September 24, 2019 @ 8:24 PM 3 years ago


Manila, Philippines – Matapos na ipasara ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang ilang lending apps na namamahiya, hindi dapat payagan ng Google na mapasama sa Play Store nito ang mga bagong lending apps.

Hiniling ngayon ng SEC ang Google na i-block ang mga opereytor ng 30 lending apps na kanilang ipinasara ng regulator dahil sa natatanggap na mga reklamo.

Ang 30 lending apps na ito ay hindi lisensyado para mag-opereyt ng lending business kaya ipinasara, ayon kay SEC Chairman Emilio Aquino.

Banta pa ni Aquino na kapag ka nagpatuloy pa ang ilang mga apps na to sa kanilang operasyon ay pananagutin ang mga operators nito.

“We will file criminal charges against them,” ani Aquino sa isang radio interview.

Kasama sa mga pinasarang lending apps ay ang mga:

  • Cash Whale
  • Cash 100
  • Cashafin
  • CashFlyer
  • CashMaya
  • Cashope
  • Cashwarm
  • Cashwow
  • Creditpeso
  • ET Easy Loan
  • Peso2Go

Nauna nang nagpalabas ng cease and desist order laban sa 19 online lending applications na:

  • Instant Pera
  • QuickPera
  • Lendmo Philippines
  • Binixo
  • CashBus
  • Cashcat
  • Cashuttle
  • Crazy Loan
  • Flash Cash
  • Happy2Peso
  • Hatulong
  • MeLoan
  • MoneyTree Quick Loan
  • Pera Express
  • Pera4u
  • Peramart
  • PesoLending
  • QuickPeso
  • Umbrella

Binalaan na rin ng National Privacy Commission ang ilan pang online lending firms ukol sa “debt shaming” na paglabag sa privacy laws ng bansa. Remate News Team